RSS Feed for This PostCurrent Article

CHRISTMAS RUSH!…

Eight days to go before Christmas!… I can feel the Christmas Spirit!… Cold breeze… Christmas carols… Crowded places…

Christmas will always be my favorite time of the year… I really love the christmas scene!… I love christmas balls!… fave shape ko kasi ang bilog!… hehehe… kaya naaaliw talaga ako kapag nakakakita ako ng x-mas balls! I really dont understand myself pero mababaw lang talaga ang kaligayahan ko… madali lang ako mapatawa… pero madali rin akong paiyakin kasi mababaw ang luha ko… its so funny nga eh… kaya siguro ang tawag sa akin sa work ng mga co-workers ko is “BABY N”… N short for Noreen… hay naku… ewan ko ba bakit nila ako tnatawag na Baby sa work… kaya tuloy i’ve always been misunderstood na childish ako… Honestly, gusto ko rin naman na tinatawag akong Baby… that is so sweet… take note… hindi na ako childish ngayon… slight na lang po… eh kasi naman lumaki ako na sobrang pampered… first child kasi ako at unang apo… I admit na-spoiled ako ng Lola ko nung bata ako… kaya medyo may pagka-maldita ako… hahaha! that’s true… pero ngayon im learning to change na… I realized na I should also be serious na rin naman with my life…

I miss my Parents!… It’s been two years na pala since hindi ko sila nakasama sa bahay… I’m renting an apartment with my Tita here in Proj. 8 Qc… Hay naku I’ll make sure na kasama ko sila this christmas!… But the good thing about not living with my parents is I learned to be Independent and do my own things… wash my clothes… cook my own food… na-miss ko yung nilulutuan ako ni mama ng “GULAY BISAYA” my mama is a cebuana kasi eh… kaya marami siya alam na luto ng mga bisaya… I miss my relatives in Cebu… Sana makapag bakasyon kami this May sa Cebu… Fiesta ng Cebu!…

Christmas is near! and I’m having this “Christmas rush syndrome”… Ewan ko ba nagpa-panic na naman ako at natataranta kung ano ang first priority ko this christmas… Of course problem ko talaga ang mga pang regalo ko sa ina-anak ko… at kung sino-sinu pang dapat kong bigyan ng regalo ngayong pasko… I’m so busy right now… kaya ang hirap isingit ng mga personal appointments ko… balak ko magpunta ng Divisoria kasi marami daw mura dun… hello?… good luck naman sa sobrang crowded ng place dun… sa greenhills kaya?… marami good buys sa tiangge sa greenhills… dapat siguro maghanap ako ng place na pwedeng mag shopping ng pang regalo malapit dito sa Proj.8… para matipid sa transpo.. maraming naghihirap ngayon sa Pilipinas kaya as much as possible ayokong gumastos ng sobrang mahal… naks! noreen ikaw ba yan… hahaha! ang aga namang new year resolution yan… ang matutong magtipid at mag save para sa future…

Ang hirap talaga mag commute kapag papalapit ang pasko… like for instance lage akong sumasakay ng mrt para maka-iwas sa traffic… My gosh! I had this one incident while nasa MRT STATION ako… grabe!!! parang palengke ang mrt station sa dami ng taong nagsisiksikan… nag-uunahan makasakay ng train… pinipigil ko na lang ang tawa ko kapag nagsisigawan ang mga pasahero ng mrt… dahil “Bonggang tulakan talaga!”… nagkapasa pa nga ako sa braso dahil sa tulakan sa mrt!… at nung nakapasok na rin ako sa wakas sa mrt… para kaming sardinas sa loob… naghalo-halo na ang lahat ng amoy ng Pabango at Pawis sa loob ng train… Buti na lang Allergic ako sa Perfume… I dont wear Perfume allergic ako… I’m just using Mild Scented Baby Cologne… kung nagkataon na nagpapabango ako at nasa loob ka ng mrt train ang panget ng combination ng pinaghalong pawis at pabango!… hahaha! Thank God! allergic ako sa perfume at hanggang Baby Cologne lang ako…

Lately I have weird encounters… ewan ko ba kung kelan magpapasko… ang dami nangyayari sa akin… like napansin ko everytime lumalabas ako ng apartment sa Insurance St… In Proj.8… may nagmamasid sa akin sa street namin… scary talaga… one time nga naglalakad ako sa street namin… I was on my way to work… may nag stop na car sa harap ko at biglang nagtanong kung saan daw papalabas ng proj.8?… tas sinabi ko naman yung direction… tas yung lalake na nagmamaneho ng kotse gusto pa akong isakay sa kotse nya at ihahatid daw nya ako sa pupuntahan ko!… hello?… tama ba naman yun?… I’m sorry I dont entertain strangers!… muntik na akong mapahamak kung nagkataon Thanks to My Angel!… because I have Presence of mind… mahirap na magtiwala sa hindi kakilala…

And then, may na add pa na isang problem… Im using Smart and Globe number kasi… pero I stopped using na my Smart Number kasi naman po sobrang dami ng nagte-txt sa akin na hindi ko kakilala… My Gosh! patahimikin nyo naman ako!… I only give my celfone number to my close friends and relatives… so how did yah get my number guys?… because of that I stopped using na my Smart number…

Yesterday I was in Starbucks Araneta with my bestfriend… While we are enjoying our Starbucks Coffee while having a conversation… I received another text message!… and take note bisaya pa yung msg!.. how did that person know na nakakaintindi ako ng bisaya?… at marunong din ako magsalita at magsulat ng bisaya… sori hindi mo ko maloloko kung sino ka man.. I thought kapag hindi ko na ginamit ang smart ko… matatahimik na ang fone ko sa mga txt msgs from pipol I really dont know…. Unfamiliar names… and when I ask them… Where did yah get my number?… hindi naman sumasagot… Im using My Globe number now… so pls I dont entertain strangers!… kung gusto nyo ako makilala… just approach me properly… baka maging friend ko pa kayo!…

Oh well, all I can say right now is I love Starbucks Coffee… Hindi talaga nagbabago ang sarap ng Starbucks Coffee thru the years!… ang hirap pagsawaan… sabayan ko pa ng favorite kong Chocolate!… Kahit papano na-alis saglit ang mga problema ko sa Buhay!…

Enjoy the Christmas Rush!…

MERRY CHRISTMAS!…

Bookmark and Share

Trackback URL



Post a Comment